Napakabilis ng mga pagbabago sa ating mundo. Ang uso nakaraang taon ay laos na ngayon. Ganun din sa wika, itong mga nakaraang dekada ay isa sa mga pinaka malaking rebolusyon ng ating wika.
Isang malaking dahilan nito ay ang paglaganap ng smartphones, kung saan maaari ka ng makipag usap sa iyong mga kaibigan at mahal sa buhay ng anumang oras mo gusto.
Hindi katulad dati na kinakailangan mo pa magpadala ng liham sa post office, kung saan kailangan mo pa magbayad at napaka tagal nitong makarating sa taong tatanggap ng sulat. Minsan ay hindi pa ito makakarating.
Ibang-iba na talaga ngayon. Marami ng posible dahil sa pag-unlad ng ating teknolohiya. Isang halimbawa dito ay ang pagkakaroon ng kasintahan galing sa ibang kontinente. Dati, mabilis na ang isang sulat sa isang buwan kapag ipinapadala mo ito sa ibang bansa. ngunit ngayon, in real-time na nila natatanggap ang iyong mga mensahe. Maaari nadin mag video call upang makita mo ang iyong kausap.
Kaya naman nagiging posible na ang long-distance relationship. Pati nadin ang mga tao na malayo sa kanilang pamilya. Isang halimbawa nito ay ang ama na mandaragat o seaman. Kapag sila ay bumabyahe sa barko para sa kanilang trabaho, maaari na silang makipag-usap sa kanila pamilya kahit sila ay nasa gitna ng dagat. Pwede na nilang masubaybayan ang pag-laki ng kanilang mga anak.
Talaga nga naman napaka swerte ng tao na nabubuhay ngayon. Sana ay huwag abusuhin ng mga tao ang pribilehiyo na ito. Sana matuto tayong pag-ingatan ang teknolohiya na tila hulog ng langit. Huwag sana natin ito gamitin sa masamang bagay katulad ng panglilinlang ng ating kapwa tao.
Maraming salamat po sa pag-basa ng aking sulat. Sana ay mag-ingat po kayo palagi.