Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay tila pagbuo ng isang matibay na tulay na mag-uuganay sa bawat isa.
Ang wika ay mahalagang salik ng epektibong komunikasyon. At kung sa isang bansa ay maraming wika, malaki ang tsansa na hindi kaagad magkaunawaan ang mga mamamayan.
Sa pagbuo ng isang wikang pambansa na dapat ay alam at bihasang gamitin ng mga mamamayan, mas madali ang kimunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon.
Ang mga mamamayan ng isang bansa ay kinakailangang nagkakaunawaan dahil sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng iisang pagkilos at iisang landas na pare-parehong nais na tahakin.
Ang wikang pambansa ay nagsisilbing tagabuklod ng mga mamamayang may kinamulatan mang ibang wika, ay kaya pa ring makipag-ugnayan sa iba.