Ano ang Kabuluhan ng Wika?

Maraming mahalagang kabuluhan ang wika. Hindi lamang ito simpleng mga salita na pinag ugnay-ugnay. Ito ang behikulo ng impormasyon, kalaaman, katotohanan, ideya, damdamin, at iba pa.

Nagbibigay-daan ito upang magkaroon ng malalim na pang-unawa at koneksyon ang bawat tao sa kanilang kapwa. Ito ang nagpapalaganap ng mga naitatag na ng mga tao sa kanilang lipunan, tulad ng kultura, kasaysayan, tradisyon, reputasyon, mga patakaran, at marami pang ibang aspeto.

Ang wika ay kasama sa pang araw-araw na buhay ng isang tao. Walang araw na hindi kinakailangan ng tao ang wika. Mula paggising hanggang pagtulog, ang wika ay makabuluhan dahil ito ay laging kasama sa mga aktibidad.