Ang katangian ng gamit o tungkulin ng wika ay interaksyonal, instrumental, regulatori, personal, imajinativ, heuristik at informativ.
- Ang interaksyonal ay tungkulin na nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
- Ang instrumental ay ang gamit ng wika na tumutugon sa mga pangangailangan.
- Ang regulatori ay tungkulin na kumokontrol o gumagabay sa kilos o asal ng iba.
- Ang personal ay gamit na nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
- Ang majinativ naman ay tungkulin na nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
- Ang heuristik ay gamit ng wika na naghahanap ng mga impormasyon o datos.
- Samantalang ang informativ naman ay tungkulin na nagbibigay ng impormasyon o datos.