Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa ating bansang Pilipinas. Ang opisyal at nasyonal na wika ng bansa a ang wikang Filipino, na halos lahat ng sambayanang Pilipino ay alam at ginagamit ito.
Mahalaga ang selebrasyon ng buwan ng wika bagamat dito natin naipapakita ang ating kagalakan at pagpapahalaga sa ating wika. Sa pamamagitan rin ng buwan ng wika ay naipapalaganap natin ang paggamit ng wikang Filipino.
Nabibigyang pansin rin nating ang kultura at kasaysayan na umusbong kasabay ng ating wika. Sinusulong rin nito ang edukasyon ng mamamayang Pilipino, na bilang Pilipino ay dapat marunong tayo ng ating sariling wika.