Mahalaga ang wika sa sarili dahil isa itong daan sa pag-unlad. Hindi naman ito nangangahulugan na kausapin mo ang iyong sarili, bagkus kinakailangan ang wika upang mas madagdagan ang kaalaman natin.
Maliban sa pagbibigay ng sariling opinyon o damdamin sa mga usapin, ang wika ay mahalaga rin sa sarili dahil sa pamamagitan nito ay nauunawaan mo ang mga sinasabi at impormasyon na ibinibigay ng iba.
Ang pagkuha ng impormasyon ay malaking tulong sa pagpapaunlad sa sarili. Sa pamamagitan din nito ay nabibigyan natin ng pagkakataong maging makabuluhan ang ating eksistensiya.
Hindi lamang tayo nabubuhay para sa sarili, bagkus ay nakatuon din ang ating oras sa ating kapwa.