Mahalagang gamitin ang gampanin ng wika sa pang-araw-araw na pamumuhay dahil ito ay nakapagbibigay linaw sa kung ano talaga ang nais nating ipabatid sa ating sinasabi.
Ang gamit ng wika ay isang indikasyon na ang wika na ginagamit natin ay mayroong espesipikong gamit na nakadepende sa panahon o sa sitwasyon.
Kung malinaw sa gagamit ang gampanin ng wika ay malalaman niya ang tiyak na gamit ng wika. Mas madali at mas malinaw din ang maibibigay niyang impormasyon sa kaniyang kausap.
Isa pa, mas magiging malinaw ang layunin niya sa paggamit ng wika at mas magkakaroon ng unawaan sa mga nagsusulat.