Maituturing na magkakapantay ang mga wika sa Pilipinas dahil magkakatulad silang itinuturing na yaman ng bansa.
Sa isang bansang arkipelago tulad ng Pilipinas, hindi talaga maiiwasang magkaroon ng iba’t ibang wika na bahagi ng pagkakakilanlan ng bawat isa. Ang mga wikang ito ay hindi na maiaalis sa kasaysayan at kultura ng bansa.
Mayroon lamang tayong wikang pambansa upang mabigyan pa rin ng tulay ang bawat Pilipino na magkaunawaan, magkakaiba man ang wikang kinalikihan.
Ngunit hindi naman maituturing na mas mababa ang halaga ng mga wikang hindi wikang pambansa. Lahat ng wikang mayroon tayo sa bansa ay mahalaga at ang mga wikang ito ay mahalaga upang maipagpatuloy ang komunikasyon natin sa bawat isa.