Kung paano at saan nagmula, at sinong nagpanimula ng wika ay mahalagang malaman o pag-aralan natin bagama’t ito ay ang nagbibigay linaw sa ating kasaysayan at sa pagtataguyod ng lipunan.
Pinapakita nito ang mga yugto ng pag-unlad ng tao, mula sa simpleng tunog hanggang sa mas komplikadong pagkakaroon ng sistema ng mga salita at pagbabaybay.
Sa pag-aaral ng pinagmulan ng wika, maipapakita ang mga konteksto kung paano nabuhay, at nabuo ang mga paniniwala, kaugalian, at tradisyon ng mga sinaunang tao.
Ito rin ang magtuturo sa atin kung paano lumago ang mundo sa iba’t-ibang aspeto ng lipunan, gaya ng edukasyon, teknolohiya, at politika.