Creole

Kahulugan Kahalagahan Mga Halimbawa

Ano ang creole? – Ang creole ay isang wika na sinasabing likas at nagmula sa mga salitang pidgin.

Kahulugan ng Creole

Sa paglaon ng panahon, ang pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika ng ilang mga bahagi ng komunidad na isinisilang sa panahong umiiral na ang pidgin. Sa madaling sabi, ang creole ay isang pidgin na naging likas sa paglipas ng panahon.

Mga Halimbawa Ng Creole

Chavacano – Ito ay isa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas, lalo na ang mga taga-Zamboanga at ilang bahagi ng Cavite, Davao, Maynila, at Basilan. Ito ay halong Kastila at wikang Bisaya. Ang salitang Chavacano ay nangangahulugan mismo ng “mababang panlasa” o “bulgar” sa wikang Spanish.

Mga salitang Chavacano sa Pilipinas:

  1. Donde tu hay anda? na ang ibig sabihin ay “anong ginagawa mo?”
  2. Di Sali na ang ibig sabihin ay “aalis”
  3. Senisa na ang ibig sabihin ay “abo”
  4. Ta ama yo contigo na ang ibig sabihin ay “mahal kita”
  5. Cangjero na ang ibig sabihin ay alimasag
  6. Gamba na ang ibig sabihin ay “hipon”
  7. Acaricar na ang ibig sabihin ay “lambingin”
  8. Tocar na ang ibig sabihin ay “hawakan”
  9. Pelar na ang ibig sabihin ay “balatan”
  10. Fresa na ang ibig sabihin ay “strawberry”
  11. Platano na ang ibig sabhin ay “banana”
  12. Almuerzo na ang ibig sabihin ay “almusal”
  13. Deficil na ang ibig sabihin ay “mahirap”
  14. Manada na ang ibig sabihin ay “marami”
  15. Lubrigo na ang ibig sabihin ay “madilim”
  16. Esacionar na ang ibig sabihin ay “pumarada”
  17. Entra na ang ibig sabihin ay “pasok”
  18. Pamparron na ang ibig sabihin ay “mayabang”

Kahalagahan

Malaking bahagi ng pagiging creole ng isang wika ay ang madalas na paggamit ng mga tao sa paligid. Ayon sa konsepto ng wika, nagiging native sa isang lugar ang wika dahil sa madalas na pagsasalit at paggamit nito.

Sa bansang Pilipinas na nasakop ng ilang bansa na may ibang wika, mayroong mga lugar na gumagamit na ng halong wika.

NEXT: Pidgin »

Maraming salamat sa pag basa ng aming post tungkol sa Creole. Sana ay may natutunan po kayo! Marami pang iba’t-ibang halimbawa ng mga Barayti ng Wika na matatagpuan dito sa Wika101.PH. Masaya kami at naging parte kami sa inyong paglalakbay-kaalaman upang mas maunawaan ang ating napakayaman na wikang tagalog. 🙂