Nagkakaroon ng barayiti ang wika dahil sa mga lugar o pangkat na kinabibilangan natin. At ang bawat lugar sa bansa ay mayroong tahanan. Sa loob ng tahanan ay mayroong isa o higit pang pamilyang naninirahan.
At ang maliit na yunit ng mga mamamayan na ito ay mayroon ding mga natatanging wika na ginagamit sa loob ng bahay na sila-sila lang din ang nakagagamit sa kanilang pamumuhay o pantawag sa bawat miyembro.
Kahulugan Ng Ekolek
Dito pumapasok ang barayiti ng wika na ekolek. Ito ay tumutukoy sa mga salita, kataga, o mga pararila na ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng bahay. Ito ay ang mga nakasanayang tawag sa bawat miyembro, bahagi ng tahanan, o kanilang mga gawain sa loob ng bahay.
May mga pagkakataon sa loob ng tahanan na nagiging hudyat upang makabuo ng katawagan sa isang bagay tulad ng mga naktutuwang pangyayari. Sakop din nito ang tradisyon o paniniwala ng isang pamilya.
Kahalagahan
Maging ang kanilang kultura sa lalawigang kinabibilangan ay isa ring mahalagang salik ng ekolek. Kahit nasa ibang lugar sila, dala nila ang mga nakasanayan at tradisyonal na wika sa kanilang probinsya na nagiging dahilan upang maging kakaiba ang kanilang tawagan sa loob ng bahay.
Halimbawa nito ay ang pamilyang Ilokano na nakatira sa Maynila. Ading ang tawagan nilang magkakapatid samantalang sa Maynila ay normal na ate, kuya, o bunso lamang ang kanilang tawagan.
Mga Halimbawa Ng Ekolek
Narito ang ilang halimbawa ng barayiti ng wika na ekolek:
Nanay – mom – inay – nanay – mudra – mamshie
Tatay – dad – itay – tatay – pudra – pappy
Lababo – batalan – hugasan – urungan
bunso – baby – beh
lola – apo – inay – mamu – granny – inang – mommy lola
lolo – ingkong – itay – papu – lo – itang – papa lolo
silid – room – guest room – kuwarto
banyo – palikuran – kubeta – CR
platuhan – pamingganan – dispenser – dish rack
kain- am-am – papa – lantak
diko – ditse – sangko – sanse – ate – kuya
Parusa – palo – sinturunin – pingutin – hatawin
Maraming salamat sa pag basa ng aming post tungkol sa Ekolek. Sana ay may natutunan po kayo! Marami pang iba’t-ibang halimbawa ng mga Barayti ng Wika na matatagpuan dito sa Wika101.PH. Masaya kami at naging parte kami sa inyong paglalakbay-kaalaman upang mas maunawaan ang ating napakayaman na wikang tagalog. 🙂