Ano ang idyolek? – Kahit na mayroong itinatakdang pamantayan ang pagbigkas ng mga salita, nagkakaroon pa rin iba’t ibang paraan ang mga indibidwal sa pagsasalita.
Dito pumapasok ang barayiting idyolek. Nagkakaiba-iba sa pagdiin sa mga salita, sa punto, at maging sa paraan ng paggamit ng tono o ritmo sa pagbibigkas ng mga salita.
Tumatatak ang kakaibang paraan ng pagsasalita, higit kung mga sikat na personalidad ang nagbibigkas ng mga ito. Kahit hindi nila orihinal na likha ang mga salita, parirala, pangungusap, o mga kasabihan, basta’t nabanggit nila ito sa isang kakaibang paraan ay tiyak na tatatak ito.
Nagmula ang salitang idyolek sa mga salitang Greek na ‘idio’ na ang ibig sabihin ay “pansarili o kakaiba,” at ‘lect’ ang ibig sabihin ay “pagkakaiba ng wika.” Ayon sa mga linggiwistiko, wala raw kasing dalawang tao ang may eksaktong paraan ng pananalita, maging sa mga pangkat ng salitang ginagmit nito.
Mga Halimbawa
Sa larangan ng entertainment sa Pilipinas ay maraming mga kakikitaan ng konsepto ng idyolek. Sila ang nagpapatunay na sa pamamagitan ng kakaibang pagbanggit sa mga salita ay magkakaroon ito ng tatak sa mga manonood.
- “Ang buhay ay weather-weather lang,” – Kuya Kim Atienza
- “Excuse me po!” – Mike Enriquez
- “Mayroon akong kuwento, pakinggan ninyo.” – Mark Logan
- “Hello, Philippines! Hello, world!” – Toni Gonzaga
- “Magandang Gabi Bayan!” – Noli de Castro
- “Get get aww!” –Sexbomb Girls
- “Susunod!!!” – Boy Abunda
- “Ako na lang, ako na lang uli!!!” –Bea Alonzo as Basha sa One More Chance
- “Dear Charrrroooo…” – Charo Santos sa Maalala Mo Kaya
- “Ngayon, bukas, at magpakailanman,” – Mel Tiangco Magpakailanman
Kahalagahan ng idyolek
Mahalagang matutuhan ang konsepto ng idyolek dahil sinasabing ang lahat ng ibang barayiti ng wika. Lumalabas dito ang mga karanasan sa buhay, personalidad, mga natutuhan sa eskwelahan at bahay, mga paboritong gawin, at iba pang sanhi kung bakit nagkakaroon ng ibang paraan ng pagbanggit ng mga salita at pangungusap.
Maraming salamat sa pag basa ng aming post tungkol sa Idyolek. Sana ay may natutunan po kayo! Marami pang iba’t-ibang halimbawa ng mga Barayti ng Wika na matatagpuan dito sa Wika101.PH. Masaya kami at naging parte kami sa inyong paglalakbay-kaalaman upang mas maunawaan ang ating napakayaman na wikang tagalog. 🙂