Pidgin

Kahulugan Kahalagahan Mga Halimbawa

Ano ang pidgin? – Sinasabing ang pidgin ay isang bagong wika na nabubuo kung mayroong dalawang tao na magkaiba ang wika at naipagsasama ang paraan ng pagsasalita at paggamit ng wika.

Kahulugan ng Pidgin

kahulugan ng wika - ano ang sagot sa tanongAng dalawang tao na may magkaibang wika at kultura ay pinagsisikapang mairaos ang kanilang pag-uusap sa paghahalo ng wikang alam nila at likas sa kanila at ang mga salitang madalas ding gamitin ng kausap.

Mga Halimbawa Ng Pidgin

Taglish at salitang “barok” ang ilan sa mga sikat na halimbawa ng pidgin sa Pilipinas. Ito ay ang pinaghalong mga wika na ginagamit ng mga Pilipino, mga dayuhan, o mga Pilipinong may ibang lahi upang magkaunawaan. Habang ang ilan namang hindi natural sa wikang Filipino, nakapagsasalita sila ng wika natin ngunit utal-utal o hindi buo ang pagkakagamit ng wika.

10 Halimbawa:

Taglish

  1. Grabe naman so init naman here. (Grabe naman, napakainit naman rito.)
  2. I don’t like nga sabi! (Ayaw ko nga, sabi!)
  3. You’re so funny talaga! (Nakakatawa ka talaga)
  4. You make pili na sa mga dress here. (Pumili ka na sa mga damit dito.)
  5. There is baha outside because of the ulan! (May baha sa labas dahil sa ulan!)

Barok na Filipino

  1. Ako bigay sa iyo discount pag bili ka dami. (Ako’y magbibigay sa iyo ng discount kapag bumili ka nang marami.)
  2. Ako punta muna banyo sakit tiyan ko. (Ako ay pupunta muna sa banyo dahil masakit tiyan ko.)
  3. Mas galing ako sa iyo sayaw. (Mas magaling akong sumayaw sa iyo.)
  4. Saan ikaw punta kagabi ikaw bigla nawala? (Saan ka nagpunta kagabi at bigla ka na lang nawala?)
  5. Gusto ko punta Baguio init dito Manila. (Gusto kong pumunta sa Baguio dahil ang init dito sa Manila.)

Kahalagahan

Sa ibang konsepto, sinasabing ang pidgin ay nagiging makeshift language ng dalawang taong hindi pareho ang wika upang maging tuloy-tuloy ang kanilang usapan o komunikasyon. Sabi pa nga ng ilang eksperto sa wika, ang pidgin ay “nobody’s native language” o wikang hindi katutubo kanino man.

NEXT: Register »

Maraming salamat sa pag basa ng aming post tungkol sa Pidgin. Sana ay may natutunan po kayo! Marami pang iba’t-ibang halimbawa ng mga Barayti ng Wika na matatagpuan dito sa Wika101.PH. Masaya kami at naging parte kami sa inyong paglalakbay-kaalaman upang mas maunawaan ang ating napakayaman na wikang tagalog. 🙂