Sosyolek

Kahulugan Mga Halimbawa Kahalagahan

kahulugan ng wika - ano ang sagot sa tanongAno ang kahulugan sosyolek? – Sinasabing nababatid ang katayuan ng isang tao ayon sa wikang kaniyang ginagamit. Ganito ang konsepto ng barayiti ng wika na ‘sosyolek.’ Napapaloob sa barayiting sosyolek ang paraan ng paggamit ng mga salita ayon sa kanilang personalidad, edad, katayuang socio-ekonomiko, kasarian, maging pinaniniwalaan sa buhay.

Karaniwang ginagamit ang sosyolek nang pansamantala lamang, at hindi talaga malaking bahagi ng pamumuhay ng tao. Nag-iiba lamang daw kasi ang paggamit natin sa wika, depende kung sino ang kausap natin. Inaayon ito sa kung sino ang kaharap at kung may kapasidad ba itong intindihin ang wikang gagamitin.

Mga Halimbawa Ng Sosyolek

  • Wikang bekimon/ gay linggo: “Ang chaka naman ng fez ng jowabels mo.” (Ang pangit naman ng mukha ng kasintahan mo)
  • Wikang balbal/ kanto: “Lakas ng amats ko sa nomo natin kagabi. Galit si mudra ko at senglot na naman!” (Ang lakas ng tama ko sa ininom natin kagabi. Nagalit ang nanay ko at lasing na naman ako)
  • Wikang conyo: “OMG! Lakas naman the rain. And there is a baha na out there. So yuck talaga!” (Ang lakas naman ng ulan at baha na sa labas. Nakakadiri talaga!)

Kahalagahan ng Sosyolek

Karaniwang nagiging paksa ng mga usapin at pagtatalo ang mga kakaibang wikang ginagamit sa mga pag-uusap. Maikaklasipika kasi ang wika bilang pormal at di pormal. Kapag gumagamit ng di pormal na wika, ay madalas na nagkakaroon ng di pagkakaunawaan at diskriminasyon at sinasabing mas mababang uri ito. Gayunman, para sa mga nag-aaral ng wika, sa paggamit ng mga salita, lahat ay pantay-pantay at nagkakaroon ng kalayaan ang bawat uri at antas na gamitin ang mga salitang mas malaya nilang maipapahayag ang kanilang mga sarili.

Sa pag-aaral ng barayiting sosyolek din mababatid na totoo ang isang katangian ng wika na ‘ang wika ay dinamiko.’ Dahil ang mga wikang ginagamit sa sosyolek ay mga salitang binago o binuo ng panahon, o kung anuman ang nasa uso.

NEXT: Ekolek »

Maraming salamat sa pag basa ng aming post tungkol sa Sosyolek. Sana ay may natutunan po kayo! Marami pang iba’t-ibang halimbawa ng mga Barayti ng Wika na matatagpuan dito sa Wika101.PH. Masaya kami at naging parte kami sa inyong paglalakbay-kaalaman upang mas maunawaan ang ating napakayaman na wikang tagalog. 🙂