Unang Wika (Kahulugan)

Unang wika, mula sa ngalan pa lamang ay ang kauna-unahang wika na siyang natutunan ng isang tao habang ito ay lumalaki sa lipunan. Ito ang wikang kinamulatan ng isang tao.

Marahil ito ay lengguwahe na laging ginagamit sa kanilang bahay at madalas ay naririnig at sinasambit ng mga nakapalagid sa kanya.

Sa madaling salita, ito ang dominanteng wika sa isang lipunan o komunidad na ginagalawan ng isang tao.

Sa Pilipinas, bagamat maraming mga lengguwahe, ang pangunahing wika o unang wika ng karamihan ay ang wikang Filipino na siya rin naming opisyal at nasyonal na wika ng bansa. Ngunit marami ring ibang Pilipino ang lumaki na iba ang unang wika.