Ang wika at diyalekto ay madalas na napagbabligtad ng ilan at inaakalang may katulad lang na kahulugan sa isa’t isa.
Ang wika ay ang wikang sinasalita sa isang lugar na kinikilala ng buong bansa bilang isang opisyal na wika. Ito ang kanilang kinalakihang wika at ang wika na sumasalamin sa kanilang pagkatao.
Sa kabilang banda naman, ang diyalekto ay isa namang barayti ng wika. Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago, maraming wika ang makikita rito.
Ang diyalekto ang nagpapakita ng pagkakaiba ng dalawang wika batay sa pagkakagamit nito sa isang lugar. Halimbawa nito ay ang wikang Tagalog.
Bagaman nasa iisang wika lamang sila, nagkakaiba sila dahil iba ang Tagalog ng mga taga-Batangas at Tagalog ng mga taga-Bulacan.