Etnolek

Kahulugan Mga Halimbawa Pilipinas Ibang Bansa

ano ang kahulugan - sagot at paliwanagAno ang kahulugan etnolek? – Bahagi ng tinatawag na barayiti ng wika ang mga salita ng ilang pangkat etniko sa bansa. Tinatawag itong etnolek na batay sa sinasabing etnolonggwistikong pangkat sa Pilipinas.

Ang mga salitang napapaloob sa etnolek ay ang mga salitang ginagamit ng mga mamamayan sa isang lugar o pangkat na likas lamang sa kanila.

Gayunman, dahil ang ilang pangkat etniko o mga katutubo sa bansa ay mayroong kaugnayan, ang salitang salita na napapaloob sa kanilang wika ay mayroong pagkakatulad, lalo na kung nasa iisang rehiyon, lalawigan, o bayan ang mga ito.

10 Halimbawa

Iba’t-iba ang wikang sinasalita sa bansa na mayroong salin sa wikang alam mong gamitin. Upang mas maging malinaw ang barayiting Etnolek, narito ang ilang salitang mula sa mga pangkat-etniko sa bansa at ang salin nila sa wikang Filipino.

Vakuul salitang Ivatan na tumutukoy sa kanilang panakip sa ulo
Palangga Iniirog sa salitang Cebuano
Solutan tumutukoy sa pinuno ng isang komunidad o kaharian sa salitang Meranaw; Sultan
Munsala tawag sa isang uri ng tradisyonal na sayaw ng mga Ifugao
Banas tumutukoy sa mainit na pakiramdam o pagkabalisa sa wika ng mga Tagalog
Batuk isang uri o paraan ng paglalagay ng tradisyonal na marka sa katawan mula sa Kalinga
Adlaw salitang Visaya na tumutukoy sa araw, panibagong umaga
Bagnet isang uri ng pinrosesong karne na kilala sa pagiging malinamnam kapag niluto

Etnolek sa Pilipinas

Dahil likas sa Pilipinas ang iba’t ibang pangkat ng mga katutubo, ang mga ito rin ay tahanan ng iba’t ibang wika sa bansa na isang magandang halimbawa ng etnolek. Iba-iba ang mga pangkat mula Luzon hanggang Mindanao tulad ng mga Tausug, T’boli, Mangyan, Tagalog, Kankanaey, Ifugao, at Meranaw.

Etnolek sa ibang bansa

Ngunit hindi eksklusibo sa Pilipinas ang konsepto ng etnolek. Maging sa ibang bansa ay kinikilala ang barayiti ng wika na ito. Basta mula sa isang pangkat na mayroong pansariling wikang sinasalita, pasok ito sa konsepto ng etnolek.

NEXT: Creole »

Maraming salamat sa pag tangkilik ng aming post tungkol sa Etnolek. Sana ay marami po kayong natutunan! Marami pang iba’t-ibang halimbawa ng mga Barayti ng Wika na matatagpuan dito sa Wika101.PH. Masaya kami at naging parte kami sa inyong paglalakbay-kaalaman. Pakay namin ang maipalaganap ang malawak na kasaysayan ng ating wika 🙂