Kahulugan ng Register
Ano ang register? – Isa sa mga barayiti ng wika ang register, rejister, o rehistro. Ayon sa mga eksperto ng wika, ang register ay ang wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na domain o isang teknikal na lipon ng mga salita sa isang larangan o disiplina.
Malawak ang maaaring maging saklaw ng register ng wika sapagkat maraming maaaring maging larangan. Ito ang nagbibigay ng highlight o diin sa mga salitang ginagamit sa iba’t ibang propesyon, disiplina, o sangay ng paggawa.
Halimbawa: Register ng Wika sa Iba’t Ibang Larangan
Dahil sinasabing ang register ng wika ay mahalaga sa iba’t ibang larangan, bawat propesyon ay may register o espesyalisadong salita o wikang ginagamit. Maaaring sumaklaw ito sa mga eskperto at manggagawa ng teknolohiya, mga guro, mga abogado, mga historyador, mga negosyante, mga politiko, at maging mga inhinyero, iskolar, at mga siyentipiko.
30 Halimbawa
Mga terminong register na ginagamit sa paggawa ng software sa computer
- Prototype
- Interface
- Beta Testing
- Event Log
- Avatar
- Platform
- Bugs
- Cache
- Pixels per inch
- Resolution
- User Experience
- Source Code
- Cookies
- Remote Access
Mga terminong register na ginagamit sa akademya/ pag-aaral/ industriya
Kapital | Negosyo |
Lalawigan | Heograpiya |
Awit | Panitikan |
Kurikulum | Akademya |
Bahay-kalakal | Ekonomiks |
Homiliya | Relihiyon |
Take one | Pag-aartista |
Antibacterial | Siyensiya/ Produkto) |
Kabisera | Kasaysayan |
Hearing | Batas |
Veto | Batas |
Mga terminong register na ginagamit sa Internet o social media
- Hashtag
- Like, share, and subscribe
- Reaction/ react
- Trending/ trending post
- Followers/ subscribers
- Vlogger/ Content creators
- Basher/ hater
- Traffic/ engagement/ views
- Post/ timeline
- PM/ personal message/ private message/ chat room
- Video call/ conference call
More Info: 100+ Halimbawa at Kahulugan ng Jargon
Kahalagahan
Mahalaga ang register ng wika dahil ito ang nagbibigay ng mas malinaw o espesyalisadong mga salita upang mas epektibong maipahayag ang damdamin, ideya, o mga konsepto ng isang larangan.
Dahil may mga salitang walang direktang salin sa wikang Filipino, at may mga terminong teknikal man ay mas madaling maunawaan kung nasa anyong register, mas napadadali ang pagkuha ng kahulugan o konsepto ng mga nakikinig o bumabasa.
Maraming salamat sa pag basa ng aming post tungkol sa Register. Sana ay may natutunan po kayo! Marami pang iba’t-ibang halimbawa ng mga Barayti ng Wika na matatagpuan dito sa Wika101.PH. Masaya kami at naging parte kami sa inyong paglalakbay-kaalaman upang mas maunawaan ang ating napakayaman na wikang tagalog. 🙂